MANILA – Itinanggi ng Malacañang na nagkakalamigan na sina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Pangulong Fidel V. Ramos.Kasunod na rin ito ng pagtanggap ng Pangulong Duterte sa resignation ni Ramos bilang special envoy to China.Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, walang dahilan upang magkaroon ng samaan ng loob ang Pangulo at si FVR, lalo na’t malaki ang naitulong nito upang mapalambot ang Chinese Government.Sa kabila naman ng pagbibitiw sa presto, sinabi ni Ramos na kaalyado pa rin ito ng Administrasyon at handang magbigay ng payo sa Pangulong Duterte.Umaasa rin si FVR na ang kanyang mga puna sa Duterte Administration ay dapat ituring payo mula sa nakatatandang kapatid.
Facebook Comments