Pag-Upo Ng Crown Prince Bilang Bagong Hari Ng Thailand, Inaabangan Na!

9

THAILAND – Handang maupo bilang bagong Hari ng Thailand si Crown Prince Maha Vajiralongkorn.Ito’y isang buwan, matapos pumanaw ang kanyang ama na si King Bhumibol Adulyadej na siyang longest-reigning Monarch sa buong mundo.Sa oras na pormal na makaupo ang 64-year-old Crown Prince, inaasahan na maghahayag ito ng bagong Military-Drafted Constitution at magtatalaga ng sarili nitong Senior Royal Officials.Sa ngayon ay nakahimlay pa rin ang labi ni King Bhumibol sa loob ng grand palace sa kabisera na Bangkok at araw-araw na nagkakaroon ng funeral rites.

Facebook Comments