Malacañang kaisa sa pagdarasal matapos masunog ang Notre Dame Cathedral

Nakikiisa ang Palasyo ng Malacañang sa milyon milyong tao na nalulungkot sa pagkasunog ng pamosong Notre Dame Cathedral sa Paris, France.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang simbahan ay itinuturing na kayamanan ng larangan ng arkitektura at isang simbulo ng katolisismo at nagtataglay ng mahabang kasaysayan at isang kilalang icon matapos mapabilang sa nobela ng French novelist na si Victor Hugo.

 

Sinabi ni Panelo na nakikiisa sila sa pagdarasal ng mga taga france at sa buong mundo na nakaramdam ng lungkot sa pangyayari.


 

Tiwala naman aniya ang Pamahalaan na magtatagumpay ang France sa sisimulang restoration ng mahigit 800 taong gula g na Notre dame Cathedral na itinayo noon pang 13th century.

Facebook Comments