Suspek sa Pagbaliktad ng Bus at Ikinasawi ng Isang Katao sa Sta Maria, Isabela, Kakasuhan Na!

113

*UPDATE: Sta. Maria, Isabela-* Mahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide and Damage to Properties ang driver ng Toyota Fortuner na si Jerome Wangdali ng Iguig, Cagayan matapos na bawian ng buhay ang driver ng Kuliglig na natumbok nito noong nakaraang gabi na dahilan rin ng pagbaliktad ng isang pampasaherong bus.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Roberto Guiyab, hepe ng PNP Sta Maria kung saan binawian din ng buhay ang biktima na si Bilyo Danga ng Brgy. Naruangan, Tuao, Cagayan habang nilalapatan ng lunas.


Dahil anya ito sa malalang head injury na natamo ng biktima sa naturang insidente.

Magugunita na noong April 13, 2019 ng gabi ay nabangga ng Toyota Fortuner ang sinusundang Kuliglig hanggang sa mapunta sa kabilang linya ang Fortuner na dahilan ng kanilang salpukan sa paparating na Florida bus.

Nagawa pang umiwas ng bus subalit bumaliktad at tumagilid ito nang pumutok ang gulong sa harapan nito.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa pagamutan ang suspek na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Samantala, patuloy pa rin sa pagpapatupad ng Comelec Gun ban ang PNP Sta Maria kaugnay sa nalalapit na eleksyon ngayong Mayo at para mapanatili na rin ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments

From Advertisers