Kontento ang Palasyo ng Malakanyang sa naging resulta ng 3-day National Vaccination Drive kahit nabigo ang pamahalaan na maabot ang target na 9 million na mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, naging “matagumpay” ang 3-day Bayanihan, Bakunahan na nagsimula noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Aniya, umabot sa 2.7 milyong indibidwal ang nabakunahan sa unang araw; 2.4 milyon sa pangalawang araw at 2.8 milyon sa huling araw.
May average na 62 Pilipino aniya ang nabakunahan kada segundo sa isinagawang 3-day vaccination kung saan ang bawat vaccination center ay bukas ng 12 oras kada araw.
Matatandaang target ng pamahlaan na makapagbakuna ng 15 milyon Pilipino sa 3-day Bayanihan, Bakunahan pero ibinaba ito sa 9 million.