Malacañang, maglalabas ng guidelines para sa proteksyon ng social media accounts ng mga ahensya ng pamahalaan sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng hacking

Maglalabas ng guidelines ang Presidential Communications Office (PCO) kung paano mapoprotektahan ang social media accounts ng mga ahensya ng gobyerno laban sa hacking.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCO Asec. Weng Hidalgo na kasama rin dito ang para sa mga personal account ng mga empleyado.

Gayundin sa kung papaano mag-develop ng mga page at papaano ito mas palaguin.


Inaasahan namang ilalabas nila ito sa susunod na linggo, bilang tulong sa mga government employee at ahensya ng gobyerno.

Nabatid na sunod-sunod ang mga naging insidente ng hacking sa mga government website kung saan pinakahuling biktima ang PNP Firearms and Explosive Office.

Facebook Comments