Wednesday, April 8, 2026

Malacañang, magsasampa ng reklamo laban sa nagpapakalat ng maling balita sa kalusugan ni PBBM

Maghahain ng reklamo ang Malacañang laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, kasalukuyan nang kinokolekta ng pamahalaan ang mga ebidensya laban sa mga sangkot at target na maisampa ang kaso sa Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo.

Muling umingay ang usapin matapos ang kumakalat na ulat sa social media may stage 4 cancer ang pangulo at nasa ospital.

Iginigiit din ng iilan na lumang kuha o “throwback” lamang ang mga larawan at video ng kanyang mga aktibidad, bagay na itinanggi ng Palasyo.

Giit ng Malacañang, pananagutin ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng maling balita laban sa pangulo.

Facebook Comments