MANILA – Mariing itinanggi ng Malacañang ang ulat na inubos na ng Aquino administration nitong nakaraang eleksyon at labing-anim na porsiyento na lang ng pambansang budget ang daratnan ni Presumptive President Rodrigo Duterte.Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma – walang basehan at malayo sa katotohanan ang nasabing report.Giit pa ni Coloma, dapat unawain ng lahat ang proseso ng paglalaan at paggamit ng pondo ng pamahalaan.Aniya, base sa ulat ng Department of Budget and Management, mula sa kabuuang 3.002 trillion pesos ng 2016 budget, nasa 2.5 trillion pesos na ang nailaan sa mga ahensya ng gobyerno kasama na ang pa-sweldo at ang Miscellaneous and Other Operating Expences (MOOE) ng mga ito.Kaugnay nito, nanindigan pa rin ang Malacañang na transparent at walang bahid ng anomalya ang paggamit ng pondo ng Aquino administration.
Malacañang Mariing Itangging Naubos Ang Pambansang Budget Nitong Eleksyon.
Facebook Comments