Malacañang, may paalala sa publiko para sa nalalapit na halalan

May huling paalala ang Malacañang sa mga Pilipino ilang araw bago ang 2025 midterm elections.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, lalong magiging talamak ang fake news dahil malapit na ang halalan kaya naman dapat na maging mapanuri at responsable ang publiko sa pagkalap at pagbabahagi ng impormasyon.

Paalala ni Castro sa mga botante, huwag ibenta ang kanilang dignidad at maging ang sariling bansa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news, lalo na sa mga bansa na may interes sa ating teritoryo at soberanya.

Nanawagan din ang Palasyo na iwasan ang pagpapakalat ng mga content na puro batikos ngunit walang sapat na batayan.

Hindi naman aniya isinasara ng administrasyon sa mga kritisismo, pero dapat itong ibatay sa ebidensiya at hindi sa paninira.

Muling iginiit ni Castro na kailangang labanan ang fake news para makabuo ng matalinong desisyon sa darating na halalan.

Facebook Comments