Malacañang, may paglilinaw sa pahayag ng Pangulong Duterte na posibleng humantong sa stage 1 cancer ang kanyang Barrett’s Esophagus

Walang dapat ipangamba ang publiko sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pagtitiyak ng Malacañang matapos sabihin ni Pangulong Duterte na maaaring humantong sa stage 1 cancer ang kanyang sa Barrett’s Esophagus kung hindi siya hihinto sa pag-inom ng alak.

Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nito na “fit at healthy” ang Pangulo.


Aniya, ang payo ng doktor ng Pangulo ay matagal na, kung saan siya pa noon ang alkalde ng Davao City.

Tiniyak din ni Roque na pinag-iingatan nila ang kalusugan ng Pangulo laban sa COVID-19, kaya mananatili pa rin ito sa Davao City kung saan maliit lang ang kaso ng virus.

Samantala, pinalagan naman ni Roque ang banat ni Vice President Leni Robredo na “tila walang lider” ngayong ang Pilipinas dahil sa kawalan ng kontretong programa ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon kay Roque, hindi niya maintindihan ang pinanggagalingan kung bakit ito sinabi ni Robredo.

Giit nito, kung walang namumuno ngayon sa bansa ay mas mataas pa sana ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments