Malacañang, muling iginiit na walang kaugnayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad

Walang pruwebang mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad (DDS).

Ito ang iginiit ng Malacañang kasunod ng desisyon ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang umano’y mga pagpatay sa Davao at ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sapat ang naging testimonya ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato at retired SPO3 Arturo Lascañas para patunayan ang umano’y utos ni Pangulong Duterte na pagpatay sa Davao City.


Aniya, matutulog lamang ang kaso dahil hindi makikipagtulungan ang pamahalaan, lalo na ang Philippine National Police (PNP).

Pero naniniwala si dating ICC Judge Raul Cano Pangalangan na makakakalap pa rin ng ebidensya ang ICC kahit hindi ito makatungtong sa Pilipinas dahil pwede itong gawin via online video mechanisms.

Facebook Comments