Mayor Isko, kinumpirmang nakipagpulong kina VP Robredo at Sen. Pacquiao para sa 2022 elections

59

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na nagkaroon siya ng pulong kasama sina Vice President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao.

Gayunman, tumanggi siyang magbigay ng mga detalye ukol dito.


Umaasa naman ang alkalde na makakapaglabas siya ng desisyon sa mga susunod na araw ukol sa magiging plano niya sa eleksyon.

Una nang sinabi ni Robredo na ikinokonsidera niyang makipagpulong kina Mayor Isko at Pacquiao para bumuo ng isang ‘united anti-administration ticket’ sa 2022 presidential polls.

Handa aniya siya na maging ‘unity candidate’ sa darating na halalan.

Pero kahapon, inanunsyo na ni Pacquiao ang plano niyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng PDP-Laban ng paksyon nila ni Senador Koko Pimentel.



Facebook Comments