Malacañang, nagpaabot ng goodluck wish kay Atty. Nicholas Kaufman sa pagtatanggol kay FPRRD sa ICC

“We wish him all the luck.”

Ito ang tugon ng Malacañang sa pahayag ng lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman kaugnay sa posibleng “political manipulation” sa kaso ng dating presidente sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bilang kapwa abogado, naiintindihan niya na ang hangarin ni Kaufman na maipanalo ang kaso ng kaniyang kliyente kaya iginagalang nila ang pahayag at diskarte nito.


Gayunpaman, kailangan aniyang ikonsidera ni Kaufman ang mga pahayag noon ng kaniyang kliyente na umamin sa pagpapatay sa mga biktima ng madugong drug war.

Makabubuti rin aniyang alamin ni Kaufman ang pinagdadaanan at sitwasyon ng mga pamilya at biktima ng extrajudicial killings (EJKs) na pinuputakte ngayon ng harassment o pananakot mula mismo sa mga taga-suporta ng dating pangulo.

Facebook Comments