Malacañang, nagpaabot ng pagbati kay Olympic silver medalist Nesthy Petecio; samahan ng mga boksingero, bahagyang nadismaya sa ‘unanimous’ decision ng mga hurado

Nagpaabot na ng pagbati ang Malacañang sa kauna-unahang babaeng Olympic silver medalist sa larangan ng women’s boxing featherweight division na si Nesthy Petecio laban sa pambato ng Japan na si Irie Sena.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napakagaling ng ipinakitang lakas at gilas ni Petecio kaya’t proud na proud ang buong Pilipinas sa kaniya.

Samantala, bahagya namang nadismaya ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) matapos ideklarang ‘unanimous’ o 5-0 votes.


Ayon kay ABAP President Ricky Vargas, hindi lumabas sa final scorecards ang ipinakitang galing ni Petecio dahil nakuha lahat ni Sena ang boto ng mga hurado.

Sa kabila nito, nananatili pa rin aniya silang nakasuporta sa lahat ng laban ni Petecio.

Nagpaabot na rin ng pagbati si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa kapwa atleta.

Facebook Comments