Dapat ay marami na ang nakikinabang sa bansa sa telecommuting law o ang batas na nagpapahintulot sa mga pribadong kumpanya na payagan ang work from home.
Ito ang pahayag ng Malacanang kasunod na rin ng isyu ng matinding trapiko na nararanasan sa Metro Manila.
Sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, napapanahon man o hindi, dapat ipinatutupad na ang batas na ito dahil aprubado na ito ng pangulo.
Matatandaang Dec. 20, 2018 pa napirmahan ni Pang. Duterte ang Republic Act 11165 o ang telecommuting law.
Layunin ng batas na isulong ang work-life balance at makatulong na rin sa pagresulba sa problema ng trapiko.
Facebook Comments