Malacañang, nagpaalala sa publiko na sumunod sa health protocols sa ilalim ng GCQ

Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na patuloy na sumunod sa health at safety protocols sa kabila ng pagpapaluwag sa quarantine restrictions sa Metro Manila simula bukas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatili ang banta ng COVID-19 lalo na’t mas maraming sektor at industriya ang magbabalik-operasyon na bukas.

Hinikayat ni Roque ang publiko na alagaan ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagsusuot ng face masks at face shields, pagsunod sa social distancing, pananatili sa bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas at pag-iwas sa matataong lugar.


Bukas, isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang high-risk areas habang ang natitirang bahagi ng bansa ay isasailalim na sa Modified GCQ.

Kahapon, sumampa na sa 17,224 ang tinamaan ng virus sa bansa matapos na makapagtala ng 590 panibagong kaso ng sakit.

Facebook Comments