Malacañang, nakapagtala ng mahigit 21,000 Pilipino na dumalo sa Simbang Gabi at nanood ng Christmas display sa Malacañang

Mahigit 21,000 mga Pilipino ang naitala ng Malacañang na dumalo sa Simbang Gabi sa Kalayaan Grounds sa Malacañang at nanood ng Christmas display.

Sa ulat ng Office of the Press Secretary, mula December 17 hanggang December 24 umabot sa 2,895 ang mga church goer ang dumalo sa Simbang Gabi sa Malacañang.

Habang sa ulat ng Presidential Security Group (PSG), 14,988 mga Pilipino ang bumisita sa “Pailaw sa Kalayaan” mula December 18 hanggang December 24.


Mahigit 3,000 bisita naman ang tumungo sa kalayaan grounds kahapon mismong araw ng pasko.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang layunin nya nang pagbubukas sa publiko ng Malacañang ngayong Christmas season ay para matiyak na ang kabataang Pinoy at maging mga residente malapit sa Malacañang na maging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko.

Sinabi rin ng pangulo na hindi nya bahay ang Malacañang kundi bahay ng mga Pilipino kaya binuksan ito sa publiko.

Facebook Comments