Residential area sa Brgy. San Dionisio, Paranaque City, nasusunog

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog sa isang residential area sa Barangay San Dionisio, Paranaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 kaninang madaling araw at agad na kumalat dahil sa dikit-dikit na mga bahay.

Iniakyat ito sa ika-limang alarma dahil sa pahirapang pagpasok ng mga bumbero bunsod ng masikip na kalsada.


Umakyat na rin ang mga bumbero sa mga nitso sa sementeryo upang madaling maapula ang apoy sa mga kabahayan.

Sa ngayon, wala pang ulat kung may nasaktan o nasawi dahil sa sunog.

Facebook Comments