Malacañang, nakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month

Nakikiisa ang Palasyo ng Macañang sa pagdiriwang ng pride month ngayong buwan ng Hunyo.

Ang pride month ay ginugunita sa buong mundo tuwing Hunyo para isulong at kilalanin ang karapatan ng LGBTQIA+ community.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), isusulong nito ang pagtindig para sa pagtatatag ng bansang nagkakaisa anuman ang pagkakaiba-iba, kaakibat ng acceptance o pagtanggap.


Hinikayat din ng PCO ang publiko na makibahagi sa selebrasyon at suportahan ang LGBTQIA+ community.

Marapat lamang anila na kilalanin ang tapang at passion ng mga miyembro ng komunidad.

Facebook Comments