Singer na si Imelda Papin, itinalaga ni Pangulong Marcos bilang acting member ng Board of Directors ng PCSO

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang singer na si Imelda Papin bilang acting member ng Board of Directors (BOD) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nanumpa sa tungkulin si Papin ngayong araw kay Pangulong Marcos.

Isa sa plano ni Papin ay ang paglulunsad ng “Isang Linggong Serbisyo” na magpapalawig ng pagbibigay ng tulong pinansyal o medikal sa mga nangangailangan hanggang weekend.


Ang PCSO ay isang Government-owned and Controlled Corporation (GOCC) na nasa ilalim ng Office of the President (OP) kung saan kabilang sa mandato nito ang magbigay tulong sa publiko sa pamamagitan ng serbisyong medikal at kawanggawa mula sa mga programa at palaro.

Facebook Comments