Malacañang, nakikiisa sa pagdiriwang ng World Food Day 2022

Suportado ng Palasyo ang pagdiriwang ng World Food Day 2022.

Batay sa pahayag ng Office of the Press Secretary, nakikiisa ang Malacañang sa pagdiriwang dahil na rin sa adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magkaroon ng ligtas, masustansya, at murang pagkain para sa lahat ng Pilipino.

Kaya naman panawagan ng Palasyo, sama-samang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda, at makiisa sa pag-aalaga sa kalikasang pinanggagalingan ng pagkain, dahil tiyak na mapagtatagumpayan ang mga adhikaing ito.


Ngayong araw partikukar mamayang alas-3 ng hapon ay may aktibidad ang Department of Agriculture (DA) sa pakikiisa sa Food and Agriculture Organization of the United Nations sa pagdiriwang ng World Food Day 2022.

Tema ngayong taon ay ang “Leave No One Behind” dahil na rin sa nagpapatuloy na pandemic, conflicts, masamang epekto ng klima, pagtaas ng presyo ng bilihin at mga international tensions na nakakaapekto sa global food security.

Wala naming opisyal na anunsyo ang Malacañang kung makikiisa ang pangulo sa aktibidad mamayang hapon.

Facebook Comments