Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba sa 26,003; DOH, nakapagtala ng 2,321 na bagong kaso ng sakit

Bahagyang bumaba ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na nasa 26,003 mula sa 26,404 nitong Sabado.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,321 na bagong kaso ng virus na siyang ika-apat na magkasunod na araw na higit 2,000 new cases ang naitala.

Buhat nito, pumalo na sa 3,982,965 ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa kung saan 3,893,452 na rito ang gumaling.


Samantala, umakyat naman sa 63,510 ang bilang ng nasawi sa sakit matapos madagdagan ng 33 kahapon.

Ito na ang ika-13 magkasunod na araw na higit 30 ang naitatalang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments