Nanawagan ang Malacañang sa Philippine Red Cross (PRC) na ipagpatuloy ang COVID-19 testing services nito na ipinapataw sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may isang salita si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito na babayaran ng pamahalaan ang obligasyon nito sa PRC.
Bukod dito, base sa legal na opinyon ng Department of Justice (DOJ), partial payment o kahit parte lang muna ang mabayaran ng PhilHealth sa P930 million utang nila sa PRC habang inaaral na ang kanilang kasunduan sa COVID-19 testing.
Hiniling naman ng Palasyo sa publiko kabilang na sa mga stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) at overseas Filipinos ang pasyensya at unawain sana ang sitwasyon habang nililutas ng pamahalaan ang usaping ito sa lalong madaling panahon.
Samantala, hiniling na rin Roque sa government at private laboratories na tulungan ang OFWs at overseas Filipinos sa kanilang RT-PCR testing.