Wednesday, April 1, 2026

Malacañang, nangakong sasalagin ang posibleng pagtaas ng presyo ng bilihin

Tiniyak ng Malacañang na kikilos ang pamahalaan upang pagaanin ang epekto sa publiko sakaling sumirit ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patuloy na pinaghahandaan ng gobyerno ang posibleng pagtaas ng presyo sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.

May pangamba na mararamdaman ang taas-presyo pagsapit ng kalagitnaan ng April, lalo’t hanggang April 16 lamang ang pangako ng mga manufacturer na hindi magtataas ng presyo.

Sinabi ni Castro na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer upang mapigilan ang pagtaas hangga’t maaari.

Kung hindi na ito maiwasan, tiniyak ng Malacañang na magpapatupad ng mga hakbang ang pamahalaan upang hindi mabigat ang epekto sa mamamayan.

Facebook Comments