Monday, March 23, 2026

Malacañang, nanindigan na walang krisis ng langis sa bansa kundi ‘price disruption’ lamang

Ito ang iginiit ng Malacañang kahit patuloy na tumataas ang presyo ng petrolyo sa mga gasolinahan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang nararanasan ngayon ay “price disruption” o pagtaas ng presyo, hindi kakulangan ng suplay.

Sinabi ng Department of Energy (DOE) na may sapat na imbentaryo ang bansa, at ang kasalukuyang suplay kasama ang mga parating na shipment ay tatagal ng hanggang 50 araw.

Tiniyak naman ni Castro na agad pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng kapangyarihang bawasan o suspendehin ang excise tax sa langis.

Sa ngayon kasi aniya ay wala pa sa kamay ng pangulo ang kopya ng panukalang batas na pinagtibay na ng Senado at Kamara.

Facebook Comments