Thursday, February 12, 2026

Malacañang, nanindigang walang konkretong ebidensiya na magdidiin kay PBBM sa alegasyon ng kickback claims

Nanindigan ang Malacañang na walang kinalaman at walang personal na partisipasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y kickbacks sa ilang flood control projects.

Kasunod ito ng pahayag ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio, na nagsabing may nakita siyang komunikasyon sa pagitan ni Presidential Legislative Liaison Officer Adrian Bersamin at ng Pangulo mula Disyembre 2024 hanggang Hulyo 2025, na umano’y naglalaman ng detalye kung saan napunta ang bilyong pisong kickbacks.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang matibay na ebidensiya na mag-uugnay kay Pangulong Marcos sa alegasyon. Nilinaw din niya na hindi na bago ang pagtatangkang idawit ang Pangulo sa ganitong isyu.

Sa kabila nito, nananatiling nakatuon si Pangulong Marcos sa mga prayoridad ng administrasyon, partikular sa ekonomiya, habang ang mga isyu sa flood control projects ay ipinauubaya na sa mga investigating bodies at sa korte.

Facebook Comments