Malacañang, naniniwalang makakabangon ang bansa pagkatapos ng mahabang lockdown

Nagsisimula nang makabangon ang ekonomiya makaraang tapusin ng pamahalaan ang mahigpit na lockdown sa bansa.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos ibaba ng World Bank ang growth forecast nito sa Pilipinas ngayong taon.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay inaasahang lalawak sa 5.5% ngayong taon, kumpara sa naunang pagtaya na nasa 5.9%.


Ang mahabang lockdown ang isa sa dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy na umaahon ang bansa mula sa pandemya.

Binanggit din ni Roque ang gumagandang investment performance ng bansa kung saan nasa ₱137 billion ang approved investments mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Itinanggi rin ng Palasyo na nakadepende palagi ang pamahalaan sa pagpapatupad ng lockdown para makontrol ang Coronavirus outbreak.

Facebook Comments