Malacañang, naniniwalang marami pang legal remedy ang gobyerno matapos ibasura ng mababang korte ang apela na ideklarang terorista ang CPP-NPA

Mahaba pa ang tatahakin ng naging desisyon ng Manila Regional Trial Court na nagbasura sa apela ng gobyerno na ideklarang mga terorista ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, dahil nasa mababang korte pa lamang naman ito, hindi pa pinal ang desisyon.

Marami pa aniyang available na remedyong legal ang gobyerno.


Nais rin muna aniya nilang makita ang inilabas na ruling ng Manila RTC, ano ang mga sirkumstansiya ng paghahain ng kaso, sino ang naghain ng kaso at sa ilalim ng anong batas.

Maari kasi aniyang naihain ito sa ilalim ng Human Security Act sa halip na Anti-Terrorism Act.

Kaya naman mahirap pa aniyang magbigay ng pahayag hangga’t hindi pa available ang mga detalye ng kaso, para maplantsa kung ano ang pinakamagandang legal remedies na ihahain ng gobyerno at kung talagang kailangan pa ito.

Facebook Comments