Hindi pa rin nakakabalik sa operasyon ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) bunsod ng nakabinbing tax requirements.
Ito ang pahayag ng Malacañang sa harap ng mga panawagang pag-aralan muli ang polisiya ng pamahalaan hinggil sa POGO.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang nag-ooperate na POGO.
Aniya, hindi pa ito nagpapasa ng tax clearance.
Hindi rin dapat iniuugnay ang POGO sa mga natutuklasang underground clinics na pinapatakbo ng mga Chinese nationals.
Matatandaang pinayagan ang POGO para sa kanilang partial operations at itinuturing na bahagi ng sektor ng Business Process Outsourcing.
Facebook Comments