Malacañang, nilinaw na si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang magdedesisyon sa ipapatupad na qurantine status sa NCR Plus bubble

Desisyon pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong qurantine status ang ipapatupad sa pagtatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus bubble sa Biyernes, April 30, 2021.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa interview ng RMN Manila kaugnay sa nakatakdang “talk to the nation on COVID-19” ni Pangulong Duterte mamayang gabi.

Ayon kay Roque, bagama’t nagrekomenda na ng “flexible MECQ” ang Metro Manila mayors at may rekomendasyon din ang Inter-Agency Task Force, kailangan pa rin balansehin ng pangulo ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa at health care system.


Nabatid na sa ilalim ng “flexible MECQ” ng Metro Manila Council, gagawin nang 10:00pm hanggang 4:00am ang curfew para makapag-operate ang iba pang essential businesses.

Facebook Comments