Mga pinapayagang makapasok sa bansa, limitado pa rin ayon sa BI

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na limitado pa rin hanggang sa ngayon ang mga indibidwal na pinapapasok sa Pilipinas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na tanging ang mga essential lamang ang pinapayagan mula nang muling maghigpit ang bansa dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Kaugnay nito, magiging epektibo na rin bukas, Abril 29 ang travel ban sa India dahil sa tinatawag na double-mutant variant na nakaabot na sa anim pang bansa.


Ayon kay Sandoval, ang hakbang na ito ay upang maiwasan na dumami pa ang kaso ng COVID-19 lalo na’t karamihan ng ospital sa NCR plus ay nananatiling full capacity.

Facebook Comments