Malacañang, nilinaw na walang rent freeze sa Bayanihan Law

Wala nang balak ang pamahalaan na magpatupad ng rent freeze sa mga apartment at condominium sa gitna ng pandemya.

Sa halip, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, papayagan ang “reprieve” o habaan ang palugid sa pagbabayad ng renta para maibsan ang pinapasan ng mga taong matinding naapektuhan ng pandemya.

Dagdag pa ni Roque, ang mga low-income tenants ay maaaring sumandal sa batas na nagbabawal a sobrang mataas na rental fees.


Una nang umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga landlords na huwag palayasin ang mga umuupa sa kanila kung hindi pa sila makapagbayad nitong community quarantine.

Facebook Comments