May 2022 elections, tuloy na tuloy – COMELEC

76

Itutulak pa rin ang May 2022 National at Local Elections sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay COMELEC Chairperson Sheriff Abas, nagtakda na sila ng tentative schedule ng paghahain ng Certificates of Candidacy na mula October 1 hanggang 8, 2021.


Bahagi ng mandato ng poll body na gawin ang halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Dagdag pa ni Abas, pinaghahandaan na nila ang nalalapit na eleksyon at mayroon na silang calendar of activities.

Ang eleksyon ay magiging automated gamit ang vote counting machines ng Smartmatic.

Ang voters’ registration ay nagpapatuloy at magtatapos sa September 30, 2021.




Facebook Comments