Malacañang, pinabibilisan sa RITM ang evaluation ng saliva-based testing

Pinamamadali na ng Malacañang sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang assessment ng saliva-based COVID-19 testing.

Sa ngayon, tanging polymerase chain reaction (PCR) test pa lamang ang itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing, maging ang rapid antigen test para ma-diagnose ang mga tinamaan ng sakit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang saliva-based testing ay makakatulong para maabot ang 100,000 daily COVID-19 test.


Habang nakabinbin ang approval ng saliva test protocols, pinahintulutan na ng pamahalaan ang paggamit ng 500,000 antigen testing kits para palakasin ang testing efforts.

Nasa tatlong brands ng antigen tests ang na-validate ng RITM.

Facebook Comments