Malacañang, pinag-aaralang kasuhan ang mga nang-uudyok sa AFP at PNP na magkudeta laban sa administrasyon

Pinag-aaralan ng Malacañang ang posibilidad na kasuhan ang mga nasa likod ng pang-uudyok sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magkudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, matagal nang batid ng pangulo ang ganitong tangka, ngunit nananatiling disiplinado at nakapailalim sa chain of command ang mga sundalo at pulis.

Nananatili rin aniyang matatag ang katapatan ng AFP at PNP sa Konstitusyon at sa bayan, sa kabila ng ulat na may ilang grupo at retiradong heneral na nanghihikayat ng destabilisasyon.

Giit ni Castro, walang dapat ipangamba dahil hindi nagpapadala ang AFP at PNP sa mga sulsol ng mga grupong nais manggulo, at patuloy ang kanilang mandato na tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments