Malacañang, magaabang lang ng magiging aksyon ng kongreso sa proposed budget

Hindi parin manghihimasok ang Palasyo ng Malacañang sa nagpapatuloy na issue sa proposed 2019 National Budget na hanggang ngayon ay hindi parin nakaaakyat sa office of the President.

 

Ito ang naging pahayag ng Malacañang matapos linawin ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi nila binabawi ang kanilang bersyon ng budget at kailangan pang pagusapan ang bagong bersyon.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nakausap niya si House Speaker Arroyo kaninang umaga at sinabi nito na magkakaroon ng pulong ang Kamara ukol sa proposed budget.


 

Pero sinabi din ni Panelo na ang magagawa lang ng Malacañang sa issue ay maghintay ng magiging hakbang ng Kongreso at tugunan ang negatibong epekto ng re-enacted budget.

Paliwanag ni Panelo, nababahala na ang Malacañang sa pagtagal ng delay ng pagpasa ng National Budget.

Facebook Comments