Malacañang, pinayuhan ang US at China na resolbahin ang mga isyu nito

Umaasa ang Malacañang na reresolbahin ng Estados Unidos at China ang mga isyu nito ng maayos at mapayapa para sa kapakinabangan ng Southeast Asian Region.

Ito ang pahayag ng Palasyo nang sabihin ni Cavite Governor Jonvic Remulla na handa niyang i-terminate ang kontrata ng China Communications Construction Company (CCCC), isang kumpanyang pinatawan ng sanctions ng US dahil sa pagsasagawa nito ng reclamation activities sa West Philippines Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, palaging ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas ikabubuti sa Build, Build, Build program.


Binigyang-diin din ni Roque na ang US at China ay special friends at trading partners ng Pilipinas at ipinapatupad ni Pangulong Duterte ang ‘friends-to-all-enemy-to-none’ policy.

Ang pagresolba ng dalawang superpower countries ng kanilang mga isyu ay makakatulong para magkaroon ng katatagan at seguridad sa rehiyon.

Nabatid na inilagay ng US sa blacklist ang 24 na kumpanya dahil sa kanilang pagkakadawit sa militarisasyon sa South China Sea.

Si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ay handang irekomenda ang contract termination ng Chinese companies na sangkot sa malawakang reclamation sa South China Sea.

Facebook Comments