Hindi tinanggap ng malakanyang ang naging konklusyon ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) kaugnay sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi nila susundin ang gusto ng OHCHR dahil sa maling implikasyon ng nasabing opisina.
Una nang inalmahan ng UN ang sobrang pagtutok ng pamahalaan sa national security kung saan naisasantabi na ang human rights ng nasasakupan nito.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng Palasyo na isinasama naman nila sa pagdedesisyon ang naging rekomendasyon ng komisyon pero nanindigang hindi nila ito susundin.
Facebook Comments