Malacañang, siniguro na may sapat na supply ng asukal sa bansa hanggang Agosto 2023

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sapat ang suplay ng asukal sa bansa hanggang Agosto sa susunod na taon.

Ayon kay Press Secretary Atty Trixie Cruz- Angeles, nagsisimula na ang anihan ng tubo na makatutulong aniya para masigurong sapat ang sugar supply ng bansa hanggang sa susunod na taon.

Inihayag ni Angeles na sa ilalim ng Sugar Regulatory Administration o SRA Order No. 1 ay kayang mai-produce ang may 1, 876, 135 metriko toneladang asukal.


Ito aniya ang dami ng asukal na nakalaan at ipakakalat sa merkado na magagamit ng mga consumer.

Dagdag ng kalihim na maaari pa ring magkaroon ng pagbabago o ‘adjustment’ sa dami ng asukal na maaaring mai-produce dahil na rin sa inaasahang tuluy-tuloy na sugar production sa bansa dahil sa pagsisimula na ng harvest season.

Facebook Comments