Suspek sa likod ng pagpatay sa menor de edad sa Trece Martires, Cavite, naaresto na

Hawak na ng Trece Martires PNP ang suspek na nasa likod ng pagpatay sa 16-year-old na babae na natagpuan sa ilalim ng Forever Bridge sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City nitong September 12, 2022.

Sa report na nakarating sa Kampo Krame, kahapon naaresto ang suspek na si Elden Necesito Alegria, 33 years old, construction worker at residente ng Sunshine Ville Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite.

Ayon kay Alba, nagkasa ng hot pursuit at manhunt operations ang Trece Martires PNP dahilan para maaresto ang suspek sa Sitio Aldaba Hills Brgy. Manuyan San Jose Del Monte City, Bulacan.


Samantala, inaresto rin ng mga awtoridad sina Joy Necesito at Pepito Baluran na tumulong sa suspek para makapagtago sa batas.

Sa ngayon, sinampahan na ng Rape with Homicide ang suspek.

Pinapurihan naman ni PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang Acting Regional Director, Police Regional Office 4A ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na operasyon at sa pagkaka-aresto sa suspek.

Facebook Comments