Malacañang, tiniyak na maayos ang kalagayan ni Pangulong Duterte matapos mabakunahan ng Sinopharm vaccine

41

Maayos ang kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang mabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine na Sinopharm ng China.

Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na sa edad na 76 at isang senior citizen, hindi nakitaan ng adverse effect ang Pangulong Duterte matapos na magpabakuna kagabi.

Agad pa aniya itong nakipagpulong sa Inter-Agency Task Force matapos ang inoculation.


Ayon kay Roque, nagagalak ang pangulo dahil sa wakas ay nabakunahan na siya lalo na’t “first choice” niya ang Sinopharm.

Nabatid na naka-pending pa ang aplikasyon ng Emergency Use Authorization ng Sinopharm sa Food and Drug Administration pero nakakuha ito ng Compassionate Special Permit noong Pebrero na itinurok sa Presidential Security Group.

Facebook Comments