Malacañang, titingnan kung makakasama sa vaccine priority list si VP Robredo

Sisilipin ng Malacañang kung makakasama si Vice President Leni Robredo sa listahan ng mga ipaprayoridad ng pamahalan sa COVID-19 vaccine.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos inanunsyo ng Bise Presidente na handa siyang magpabakuna sa publiko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan nila kung may nakalaan para kay Robredo sa vaccine program.


Matatandaang sinabi ni Roque na hindi prayoridad ang pamilya ni Pangulong Duterte sa vaccination program maliban na lamang kung mayroon silang comorbidities o magboluntaryong magpabakuna para itaas ang kumpiyansa ng publiko.

Ang mga public servants ay pampito sa priority list ng gobyerno.

Facebook Comments