Malabong ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte dahil lamang sa kanyang mga polisiya sa West Philippines Sea.
Ito ang sinabi ng Malacañang kasunod ng mga alegasyon ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na pagtataksil sa bayan ang ginagawa ng pangulo dahil sa kanyang posisyon ukol sa agawan ng teritoryo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapapansin lamang si Carpio.
Iginiit ni Roque na walang alinmang teritoryo ang nawala sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Isinusulong ni Pangulong Duterte ang kooperasyon sa China lalo na sa kalakalan at pamumuhunan.
Kung naniniwala si Carpio na may nilabag sa Konstitusyon ang Pangulo, ay dapat niya itong dalhin sa Korte Suprema.
Facebook Comments