Kumpiyansa ang Malacañang na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2020 National Budget sa kalagitnaan ng Disyembre.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, umaasa sila na maipapasa ng Kongreso ang panukalang budget kasunod ng pagsisimula ng Plenary Deliberations ng Senado.
Tiwala si Nograles na hindi na mauulit ang pagkaka-antala ng pagpasa ng budget tulad ng nangyari sa 2019 National Budget.
Babala ni Nograles na anumang delay sa budget approval ay posibleng maurong ang mga inisyatibo ng gobyerno sa paglaban sa kahirapan at gutom.
Facebook Comments