Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo duterte sa trabaho ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, makaraang sabihin ni PACC Commissioner Greco Belgica na may dalawang cabinet secretaries silang iniimbestigahan dahil sa reklamo ng korapsyon.
Ayon kay Panelo, hindi kailangang ipagbigay alam agad sa pangulo ang ginagawang imbestigasyon ng PACC laban sa mga miyembro ng kanyang gabinete.
Saka na lamang aniya ito malalaman ng pangulong Duterte kapag naisumite na sa kaniya ng PACC ang rekomendasyon.
Kasunod nito, naniniwala si Panelo na trabaho ng PACC na busisiin ang mga anomalyang kinasasangkutan ng mga tiwaling cabinet members ng Duterte administration.
Facebook Comments