Malakanyang at DMW ipauubaya na sa DFA ang kaso ng pinay na si Mary Jane Veloso

Ipinauubaya na ng Malakanyang at ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kaso ng Pinay na si Mary Jane Veloso sa Department of Foreign Affairs.

Sa briefing na ginawa nina Press Secretary Trixie Cruz Angeles at DMW Secretary Toots Ople dito sa Fairmont hotel, Jakarta Indonesia, kapwa sinabi nang dalawa nang mas mabuting Department of Foreign Affairs (DFA) ang magbigay komento kaugnay dito.

Sinabi ni Angeles kabisado ng DFA ang diplomatic track ng kaso ni Veloso.


Habang ayon naman kay Secretary Ople dapat na maging maingat sa pagbibigay ng detalye sa mga sensitibong sitwasyon ng mga migrant workers.

Sa kaso aniya ni Veloso na bukod aniya sa diplomatic process, mahalaga na ipagdasal nalang.

Pero naniniwala si Angeles at Ople na umaasa silang magkakaroon ng positibong update sa kaso ni Veloso sa pagtungo ni pangulong Marcos Jr., sa Indonesia

Facebook Comments