Fully Operational ng DMW sa susunod na taon tiniyak ng Pangulo sa Filipino Community sa Indonesia

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging fully operational na sa susunod na taon ang Department of Migrant Workers (DMW).

Ginawa ng Pangulo ang pangakong ito sa harap ng Filipino Community sa Jakarta Indonesia.

Ayon sa Pangulo, si DMW Sec. Toots Ople na ang bahala sa pangangasiwa ng DMW kapag naging fully operational na ito sa susunod na Linggo.


Naniniwala ang Pangulo na sa pamamagitan ng departamentong ito, mas matutukan ang kapakakanan at mga program para sa mga Filipino sa ibang bansa.

Samantala, natuwa ang pangulo sa mainit na pagsalubong sa kanya ng Filipino Community sa Jakarta.

Sinabi ng pangulo na kahit magiging abala siya sa kaliwa’t kanang pagpupulong dito para mas mapaganda ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia hindi naman kumpleto ang kanyang biyahe kung hindi siya nakipagkita sa pangulo.

Ito ang huling aktibidad ng pangulo ngayong araw sa kaniyang state visit sa Indonesia.

Facebook Comments