Malakanyang, dapat maging transparent sa isinasagawang feasibility study ukol sa Nuclear Power Energy

Iginiit ni Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian sa Malakanyang na gawing transparent sa mamamayan ang ginagawang pag-aaral ukol sa Nuclear Power Energy.

Diin ni Gatchalian, mahalagang maipabatid sa publiko ang panganib at potential ng nuclear power bilang pagkukunan ng enerhiya.

Pahayag ito ni Gatchalian kasunod ng pag-iisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order Number 116 na lumilikha sa Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee.


Paliwanag ni Gatchalian, ang paggamit ng nuclear power ay patuloy na pinagdedebatehan sa buong mundo dahil kumplikado at sinasabing may hatid na panganib.

Dagdag pa ni Gatchalian, kailangan ang high level na kaalaman sa paggamit ng nuclear power para matiyak na hindi masasakripisyo ang kapakanan ng publiko.

Facebook Comments