Malakanyang handang kanselahin ang Chico River Pump Project loan agreement ng Pilipinas at China kung hindi nakasunod sa batas

Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na handa ang Pamahalaan na kanselahin ang Chico River Irrigation Pump Project loan agreement sa China sakaling mapatunayan na hindi nito nasunod ang saligang batas o anomang umiiral na batasa sa bansa.

 

Ito din ang sagot ng Malacanang matapos maghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga militanteng grupo na ibasura ang loan agreement ng Pilipinas at China para sa Chico River Irrigation Pump Project na nagkakahalaga ng 62 milyong dolyar.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, bago pa man maghain ang mga militanteng grupo ng petisyon ay ipinagutos na ni Pangulong Duterte sa Office of the Solicitor General at sa Department of Justice na pagaralang mabuti ang lahat ng kontratang pinasok ng Pamahalaan sa loob at labas man ng bansa.


 

Sinabi ni Panelo, mayroong karapatan ang Pamahalaan na kanselahin ang anomang kotratang pinasok nito sakaling mapatunayan o makakita ng anomang probisyon dito na hindi naaayon sa saligang batas.

 

Binigyang diin din ni Panelo na nakapagpaliwanag na ang Economic Team ni Pangulong Duterte na above the board at hindi dapat mangamba sa pinasok na kontrata ng gobyerno sa China.

Facebook Comments