Malakanyang, hands-off sa hidwaan sa pagitan nina Salvador Medialdea at Ramon Tulfo

Hindi panghihimasukan ng Malakanyang ang hidwaan sa pagitan nina Executive Sec. Salvador Medialdea at Special Envoy for Public Diplomacy to China Ramon Tulfo.

Kasunod ito ng paghahain ng reklamong libelo ni Medialdea laban kay Tulfo kaugnay ng inilabas nitong column na nagdadawit sa kaniya sa corruption activities.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang naturang reklamo ay sa pagitan nina Tulfo at Medialdea.


Giit ni Panelo, personal na usapin ito kaya’t hindi manghihimasok ang palasyo.

Bukod pa riyan, hindi na rin umano maaaring magkomento ang malakanyang kaugnay sa usapin dahil naihain na ang reklamo.

Matatandaang nitong biyernes lamang nang kumpirmahin ni Medialdea na naghain siya ng libel charges laban kay Tulfo dahil sa umano’y malisyosong artikulong inilathala nito sa kaniyang column.

Binigyang-diin ng Executive Secretary na ang ganitong hakbang ay nakasisira ng pagkatao at maging sa kaniyang magandang reputasyon.

Facebook Comments